Katrina Halili and Hayden Kho Scandal
Ngayong isang Pilipino mismo ang nasa likod ng pambababoy sa ating kababaihan Ginoobng Pangulo, higit at mas grabe ang aking galit. Ang mas malala pa Ginoong Pangulo, ay isang doktor ang nasa likuran ng kababuyang ito.
Needless to say, Mr. President, ang isang doktor ay kailangang maging kagalang-galang sa kaniyang pagkilos. Kailangang respetuhin niya ang dangal ng lahat, at tratuhin ng may respeto ang bawat tao.
According to Republic Act 2382 or the Medical Act of 1959, if a doctor displays immoral or dishonorable conduct, then he may be reprimanded or even kicked-out of the profession. Lilinawin ko lang Mr. President, the acts in the video itself is not what I am angry about, kundi ang paraan ng paglinlang nitong doktor na ito, taking advantage of the trust, confidence and emotions, ng kanyang girlfriend, para makunan ng video at ipakalat ito sa publiko, which has definitely ruined the dignity and honor of these poor and hapless women. Ngayon Mr. President, ang babaeng kanyang biniktima ay nasa state depression na. Hindi na po makalabas ng bahay. Kawawa naman.
Ang nakakalungkot pa nito Mr. President, itong babae pa mismo, these past weeks, ang naririnig natin na nagso-sorry, pero ‘ni minsan, itong manyak na ito ay hindi humingi ng paumanhin.
Sa video mismo, makikita ang masamang intensyon nito, na patagong isinet-up ang camera, at pinuwesto ang babae para siguradong makunan. Ginoong Pangulo, ang tinutukoy ko po ay si Dr. Hayden Kho who is a pervert of the highest kind, a predator who has no conscience nor respect for women.
Totoo na wala tayong pakialam sa nangyayari sa loob ng apat ng dingding ng kuwarto ng magsing-irog o mag-asawa, ngunit, kung ang ganitong bagay ay gagawin ng walang pahintulot ng sinumang kasali dito, malinaw na may responsibilidad ang estado na ituwid ang kamalian. This is the reason Mr. President that I have already written the PRC to revoke the license of Dr. Hayden Kho and ban him from the practice of medicine perpetually. He has no right to treat patients just knowing his state of mind fully well. Paano mo ipagkakatiwala ang anak mong babae sa ganitong doktor?
Hindi siya marunong gumalang sa kababaihan. Para bang wala siyang nanay o mga kapatid na babae. If you ask me, wala sa tamang pag-iisip ang taong ito, and according to the Medical Act, this doctor can also be punished for insanity. Buwang itong doktor na ito. Baliw Mr. President.
This perversity poses a risk to the public that according to studies will escalate to further acts of perversity. Huwag na nating hintayin na may iba pa siyang mabiktima.
But I believe this penalty is not enough. Kaya nga kailangan na po talaga nating magpasa ng batas ng magpaparusa sa ganitong mga gawain. Ito ang dahilan kung bakit isinumite ko itong Senate Bill number 12 na magpaparusa sa mga taong gumagawa nito. I believe that voyeurism should be punished, and the publication of sex videos with or without the consent of the parties should be dealt with properly. Kailangan ding parusahan ang mga Internet Service Provider na magbibigay ng access sa mga ganitong kalaswaan. We can follow the Chinese or Middle Eastern model where all ISPs are required to block online pornography. Para sa akin, dapat mabulok sa bilangguan ang mga ganitong tao para wala na silang maperwisyo.
Sa dinami dami ngayon ng mga sex scandal na kumakalat, kailangan nating kumilos para protektahan ang ating mga kababayan, ang ating mga kababaihan, lalo na ang mga kabataang kababaihan.
Kung hindi tayo kikilos ngayon, para bang nawalan na rin tayo ng karapatan na magalit at bumatikos sa mga dayuhang bumababoy at yumuyurak sa dangal ng Pilipina.
Because of how strongly I feel about the issue, and how serious this matter is, I have chosen to exercise my privilege not to be interpellated. Umaasa po ako na maiintindihan ninyo. Thank you very much, Mr. President.
- katrina halili and hayden kho scandal
- Katrina Halili and Hayden Kho
- hayden kho scandal
- hayden kho
- Katrina halili
- katrina halili scandal
Category: E-buzz, Rambling Ideas
-
http://www.buyflashharddrives.com flash hard drives
-
kesit
-
JUAN
-
http://your-dailyword.blogspot.com/ Mikes@Your Daily Word
-
Rhys
-
elmo
-
http://Singapore RHODA
-
http://Singapore RHODA
-
http://www.yahoo.com athena
-
sunshine
-
http://flaircandy.com Hannah
-
http://www.selaplana.com Selboy
-
http://www.whirlwind.nu Angelica











